Mga Bagong Residente
- Kailangan mo ba ng matitirahang lugar?
- Palakasan at Pagpapahinga (Sports and Leisure)
- Gawaing pang-lipunan
- Pagka-empleyo at Pagsasanay
- Buwis sa council
- Mga Benepisyo
- Pagbiyahe
- Matuto ng English
- Kalusugan
- Mga bata
- Pagboboluntaryo
Kailangan mo ba ng matitirahang lugar?
Pagpapatala sa council o sa isang bahay na pag-aari ng isang asosasyon ng mga bahayan, para magkaroon ng matitirahan
Maaari kayong magpatala para sa isang bahay na mauupahan, basta’t ang edad ninyo ay labing-anim (16) na taon o higit pa. Kailangang punan ninyo ang isang form na makukuha ninyo mula sa:
Housing Department
Fort Road
Lerwick
O kaya ay tawagan ninyo sila sa 01595 744360.
Makakakita rin kayo ng form sa Internet, www.shetland.gov.uk/housing/Housing_Application_Pack.asp
Kung pupunan ninyo ang form na ito, isasalang-alang din namin na makaupa kayo sa bahay sa Hjaltland Housing Association.
Pero, masyado pang mahaba ang listahan ng naghihintay na makaupa sa mga bahay.
Ano ang gagawin kung wala kayong bahay o mawawalan ng bahay
Kung wala kayong bahay o mawawalan ng bahay, kailangang makipag-usap kayo sa Council’s Homelessness Service. Maaari ninyo kaming tawagan sa 01595 744360 o maaari ninyo kaming bisitahin sa:
Housing Department
Fort Road
Lerwick
Tutulungan namin kayong makakita ng bahay.
Paghahanap ng isang mauupahang bahay na pag-aari ng isang pribadong tao o landlord
Maaari kayong umupa ng bahay na pag-aari ng isang pribadong tao o landlord. Makakakita kayo ng mga paupahang bahay sa pamamagitan ng:
- Pagbabasa ng mga nakapatalastas sa Shetland Times
- Pagkontak sa mga Solicitor at Ahente ng Bahay sa inyong lugar (www.shetland.gov.uk/housing)
- Pagtingin-tingin sa mga maiiksing patalastas na ipinalalabas, halimbawa, sa mga pabatid na nakapaskil sa mga paskilan ng supermarket ng Lerwick. Gayun din, makikita ang mga ito sa mga bintana ng ilang shop o tindahan at post office o hulugan ng sulat.
Pagbili ng bahay
Makakakita kayo ng mga detalye ng ipinagbibiling bahay sa pahayagang Shetland Times.
O kaya’y kontakin ang mga Solicitor at Ahente ng bahay sa inyong lugar (www.shetland.gov.uk/housing)
