Mga Bagong Residente

Buwis sa council

Ano ang buwis sa council ?

Ang buwis sa council ay isang buwis na kailangang bayaran ng bawat sambahayan, maliban na lamang kung hindi sila talaga kasali (www.shetland.gov.uk/counciltax). Ang halagang kailangan ninyong bayaran ay nakabatay sa lugar na kinaroroonan ng inyong ari-arian, at kung anong klaseng ari-arian ito (www.shetland.gov.uk/counciltax). Padadalhan namin kayo ng bill sa Marso o sa Abril.

Ang buwis sa council ay makakatulong sa pagbabayad ng mga serbisyong pang-publiko na ipinagkakaloob namin sa lahat ng tao sa Shetland. Kasama sa mga serbisyong ito ang:

  • Edukasyon
  • Gawaing pang-lipunan
  • Mga pasilidad para sa palakasan at pagpapahinga
  • Mga silid-aklatan
  • Paglilinis ng mga kalsada at pagkuha ng mga basura
  • Mga lansangan at sasakyan

Mga paran ng pagbabayad

Maaari ninyong bayaran ang inyong buwis sa council sa pamamagitan ng:

  • pagpunta sa Finance Department, Charlotte House, Commercial Road, Lerwick
  • pagpapadala nito sa pamamagitan ng koreo sa Head of Finance, Charlotte House, Commercial Road, Lerwick
  • pagtawag sa telepono sa 01595 744683

Paano kung hindi namin kayang magbayad?

Kung nahihirapan kayong magbayad ng buwis sa council, baka matulungan namin kayo. Mangyari pong tumawag sa telepono sa 744683, o pumunta sa:

Finance Department
Charlotte House
Commercial Road
Lerwick