Mga Bagong Residente
- Kailangan mo ba ng matitirahang lugar?
- Palakasan at Pagpapahinga (Sports and Leisure)
- Gawaing pang-lipunan
- Pagka-empleyo at Pagsasanay
- Buwis sa council
- Mga Benepisyo
- Pagbiyahe
- Matuto ng English
- Kalusugan
- Mga bata
- Pagboboluntaryo
Gawaing pang-lipunan
Ano ang gagawin kung iniisip ninyo ang kaligtasan ng isang tao
Kung nag-aalala kayo sa kaligtasan ng isang bata, o kung sa palagay ninyo’y mayroong isang inaabuso o pinababayaan, mangyari pong kontakin kami. Maaari ninyo kaming tawagan sa 01595 744421 o padalahan kami ng email sa social.work@shetland.gov.uk. O kaya’y pumunta sa:
92 St Olaf Street
Lerwick
Kung sarado ang opisina ng gawaing-panlipunan, maaari kayong tumawag sa telepono sa 01595 695611.
Tulong para sa mga nag-aalaga
Kung gumugugol kayo ng masyadong maraming panahon sa pagbabantay ng isang kaibigan, kamag-anak o kapitbahay at kailangan ninyo ng tulong, matutulungan namin kayo. Halimbawa, maaari naming:
- Ipaalam sa inyo ang tungkol sa mga benepisyo ninyo bilang mga taong nasa kawanggawa – pera para sa inyo at para sa taong inyong inaalagaan;
- Isaayos ang isang panahon para sa sandaling pagpapaninga mula sa pag-aalaga – pahinga para sa inyo, sa maghapon at/o sa magdamag;
- Tulungan kayo sa mga kagamitan o mga kakailanganing pagbabagay-bagay sa inyong tahahan upang lalo pang mapadali ang ginagawa ninyong pag-aalaga;
- Payuhan kayo ng tungkol sa iba pang uri ng pag-aalaga, halimbawa, sa mga tahanang tinitirahan.
Kontakin kami sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa 01595 744421, o padalhan kami ng email sa social.work@shetland.gov.uk. O maaari ninyo kaming puntahan sa:
92 St Olaf Street
Lerwick
